Inihayag ngayon ng Caloocan City Government na nagsagawa ng fogging at misting ang mga empleyado ng City Environment and Management Department sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Ayon sa Caloocan City Public Information Office, bahagi ito ng kanilang pag-iingat upang makaiwas sa dengue ang mga residente ngayong panahon ng tag-ulan.
Paliwanag ng local government unit (LGU) na gamit ang mga fogging machine kung saan binomba ng usok ang mga lugar na madalas na pinamumugaran ng mga lamok na nagtataglay ng dengue.
Dahil dito, umapela ang Caloocan City Government sa mga residente na panatilihing malinis ang kanilang lugar para maiwasan ang dengue.
Hinikayat din ng LGU ang mga residente na magtapon ng mga kalat sa tamang basurahan para hindi ito bumara sa mga daluyan ng tubig o mga kanal na madalas umanong pinagmumulan ng pagbaha kapag bumuhos ang malakas na ulan.