Caloocan City Mayor Oscar "Oca" Malapitan, naniniwalang hindi aabusuhin ni Pangulong Duterte ang Martial Law

Manila, Philippines – Naniniwala si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na hindi aabusuhin ni pangulong Rodrigo Duterte ang pagdeklara nito ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Malapitan, napakalayo ang deperensiya ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil nakabatay ito sa 1935 Constitution kumpara sa 1987 Constitution sa Martial Law ni Pangulong Duterte.

Ipinaliwanag ni Malapitan na sa Martial Law ni Marcos kinakailangan mayroong rebellion o kaya invasion na nagaganap at kapag napapansin ng Pangulo na delikado o nasa danger palang ang sitwasyon pwede na kaagad magdeklara ng Martial Law ang punong ehekutibo.


Giit ng alkalde, hindi katulad ng Martial Law ni Pangulong Duterte nilagyan ito ng safeguard sa 1987 Constitution dahil kinakailangan ay aktwal na nangyayaring kaguluhan gaya ng nangyari sa Marawi City bago magdeklara ng Batas Militar pero kinakailangan pa rin ay sumulat ang Pangulo sa Kamara at kapag nakita ng Kongreso na naabuso ito pwedeng irebuke ang deklarasyon ng Martial Law.
DZXL558

Facebook Comments