Caloocan City, naglabas ng guidelines kaugnay sa paggamit ng paputok sa Bagong Taon

Naglabas ng guidelines ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kaugnay sa pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, mahigpit na ipinagbabawal ang mga iligal na paputok sa lungsod, alinsunod sa City Executive Order No. 032-22.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Malapitan ang mga residente sa lungsod na gumamit na lamang ng mga alternatibo sa paputok tulad ng mga pailaw, kaldero at malalakas na tugtugin.


Iwasan ding damputin ang mga paputok na hindi sumabog at buhusan ng tubig at walisin papunta sa mga tamang basurahan.

Kung maaari ay ipasok sa loob ng bahay ang mga alagang hayop na posibleng maapektuhan ng malalakas na ingay.

Samantala, mananatili namang nakaalerto ang monitoring hotline ng Local Government Unit (LGU) para sa makatugon sa mga mangangailangan ng tulong medical.

Facebook Comments