Umarangkada na ang ikalawang Mega Job Fair ng Caloocan City Public Employment Service Office ngayong araw.
Ginaganap ito sa Bulwagang Katipunan sa 3rd floor ng Caloocan City Hall South sa 8th Street, East Grace Park.
Sinimulan ang job fair ng alas-9:00 ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-4:00 ng hapon.
Nasa 5,000 bakanteng trabaho ang inaalok sa nasabing mega job fair mula sa 79 na kompanya at agency kabilang ang BIR at BJMP.
Ilan sa mga inaalok na trabaho ay cashier, clerk, customer assistant, crew, staff, salesman, riders, collector, helper, quality control, cook, encoder, merchandiser at marami pang iba.
Habang sa overseas naman ay naghahanap ng mga nurse, hair dresser, massage therapist, service crew, on call female cleaner, coffee and tea maker, waiter, cook at baker.
Para masiguro na lehitimo ang mga aaplayan sa abroad, may mga tauhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaaring lapitan kung may mga katanungan.
May mga One Stop Shop rin tulad ng DOLE, SSS, PHILHEALTH at PSA para hindi na mahirapan pa ang mga na-hire on the spot sa pagkuha ng requirement.
Pakinggan naman natin ang paanyaya ni Ms. Jocelyn Yupangco ang Supervisng Labor and Employment Officer ng PESO Caloocan sa pagsasagawa nila ng mega job fair.
Inaasahan naman ng Caloocan City PESO na papalo ng higit 1,000 residente ng South Caloocan ang makikiisa sa ikinakasang mega job fair kung saan maaari din naman magtungo rito ang ibang indibidwal na nakatira sa ibang lungsod.