Caloocan LGU, babawasan na ang mga tauhang papasok sa trabaho sa harap ng pagsipa ng COVID-19

Simula bukas ay ipapatupad na ang 50% na mga kawaning papayagang pumasok sa trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaang panglungsod ng Caloocan.

Ito ang ibinabang kautusan ni Mayor Oscar Malapitan matapos ang emergency meeting sa kaniyang mga tauhan.

Bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng Local Government Unit (LGU) sa tumataas na kaso ng COVID-19.


Batay sa datos ng Caloocan Health Department, 648 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments