Caloocan LGU, handa na sa papalapit na bagyo

Inatasan na ni Mayor Along Malapitan ang mga tauhan ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na maghanda at i-monitor ang paparating na bagyo sa bansa.

Ayon kay CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao, may inilatag na silang preparasyon para masiguro na magiging ligtas ang lahat ng mga residente ng lungsod.

Maging ang mga asset ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ay naka-stand by na rin sakaling magkaroon ng emergency kapag tumama na ang bagyo.


Sinabi ng alkalde, ngayon pa lamang ay maiging handa ang lahat upang hindi magkaroon ng problema sa magiging epekto ng bagyo.

Pinagana na rin ng Caloocan Local Government Unit (LGU) ang kanilang centralized 24/7 emergency hotline gayundin ang bagong Alert and Monitoring Operations Center na makikita sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Pinakalat na rin nila ang 12 bagong emergency and rescue vehicles para mas mapabilis pa sa pagresponde.

Bilin naman ng alkalde sa Caloocan DRRMO, siguraduhin na makakaresponde ng lima hanggang walong minuto kapag may emergency situation.

Facebook Comments