Caloocan LGU, nagpadala na ng tulong sa mga naapektuhan ng bumagsak na water tank dulot ng malakas na pag-ulan kaninang madaling araw

77

Personal na ininspeksyon ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang sitwasyon sa Lilac Street, Phase 1, Palmera, Barangay 175 kung saan bumagsak ang water tank dulot ng malakas na pag-ulan kaninang madaling araw.

Kasunod nito, agad na nagpadala si Mayor Malapitan ng dalawang water tanks para masuplayan ng tubig ang mga apektadong residente.


Ipinag-utos din niya sa Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ang agarang paglilinis ng mga debris.

Nangako naman kay Mayor Oca ang Prime Water, ang siyang nagpapatakbo sa bumagsak na water tank, na sasagutin nito ang pagpapagamot sa dalawang nasugatan na nagtamo ng mga galos dahil sa insidente.

Gayundin ang pagpapasaayos ng mga nasirang bahay at mga sasakyan.

Sa ulat ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department, nasa limang bahay ang nasira at sampung sasakyan ang inanod dahil sa insidente.



Facebook Comments