Nagpasalamat si Caloocan Mayor Along Malapitan sa ginawang pagbisita ni United States Second Gentleman Douglas Emhoff sa kanilang lungsod.
Bukod kay Emhoff, pinasalamatan din ng alkalde ang ilang mga opisyal ng United States Agency for International Development’s (USAID).
Ito’y dahil sa tulong na ipinahatid nila sa ikinakasang programang Healthy and Safe Back to School ng pamahalaan.
Maging ang suporta na ipinagkaloob ng gobyerno ng Amerika sa mga hakbang kontra COVID-19 ng Pilipinas ay lubos na pinasalamatan ni Mayor Along gayundin ni Department of Health (DOH) OIC Ma. Rosario Vergeire.
Bukod dito, ikinatuwa rin ng mga magulang at guro ang mga hygiene kits na ipinagkaloob mismo ni Emhoff at ng USAID.
Partikular ang mga estudyante ng Gregoria de Jesus Elementary School.
Sinabi pa ng alkalde na bukod sa mga hakbang kontra COVID-19, suportado rin ni Emhoff at ng USAID ang mga programa ng DOH para mapigilan ang sakit na tuberculosis at iba pang infectious diseases.