Patuloy na nagkakasa ng search and rescue operation ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) para mahanap ang nawawalang 8-taong gulang na batang lalaki.
Ito’y matapos na mahulog sa Pag-asa Creek na sakop ng Barangay 176 bandang alas-2:25 ng hapon kahapon.
Mismong si Caloocan City Mayor Along Malapitan ang nag-utos na ituloy ang search and rescue operation ay suyurin ang buong daluyan ng nasabing creek.
Inatasan na rin ng alkalde ang Caloocan City Social Welfare and Development Department (CSWDD) na magtayo ng command center sa naturang lugar.
Ito’y para makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at magbigay na rin ng update sa pamilya ng biktima.
Facebook Comments