Bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa, todo paghahanda ang ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Caloocan para malinis ang loob at labas ng mga sementeryo sa lungsod.
Ito ay para sa nalalapit na Undas 2022 kung saan iniikot ng mga tauhan ng Caloocan City Environmental Management Department (CEMD) ang lahat ng public cemetery sa lungsod.
Nagkasa ng fogging at hauling operations ang CEMD sa Tala Cemetery at Bagbaguin Cemetery para masigurong walang anumang insekto na pagmumulan ng sakit.
Pininturahan, nilinis at nagsagawa naman ng flushing operations ang mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa Sangandaan Cemetery.
samantala, pinaplano na ng lokal na pamahalaan ang schedule o aktibidad sa mga nasabing sementeryo sa araw ng Undas upang hindi maabala ang publiko sa pagdalaw sa puntod ng mga namayapa nilang mahal sa buhay.