Caloocan LGU, sinimulan na ang paglilinis sa mga pampublikong sementeryo para sa Undas 2023

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang paglilinis at pagsasa-ayos ng mga pampublikong sementeryo.

Pinangunahan ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) ang aktibidad bilang paghahanda sa Undas 2023.

Nabatid na nasa 70% na ng mga pampublikong sementeryo ang nalins ng mga tauhan ng Caloocan LGU kung saan target naman nilang linisin at isaayos ang mga pribadong sementeryo sa katapusan ng buwan ng Oktubre.


Ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang paglilinis dagil sa inaasahang pagdagsa ng publiko na maagang bibisita sa mga sementeryo.

Paalala naman ng Caloocan LGU sa mga residente, planuhin ng maigi ang biyahe at maging mapagmatyag sa paligid lalo na sa pagtungo sa mga sementeryo.

Maigi rin lumapit kaagad sa mga otoridad sakaling may kailanganin na tulong o kaya ay mga hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments