Caloocan Mayor Oca Malapitan, naturukan na rin ng COVID-19 vaccine

36

Kinumpirma ng Caloocan Local Government Unit (LGU) na naturukan na rin ng COVID-19 vaccine si Mayor Oca Malapitan.

Sinabi ng Caloocan LGU sa isang statement na nabakunahan na si Mayor Malapitan noong nakaraang linggo matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga local chief executives na maisama sa priority list.


Dahil si Mayor Oca ay 65 years old na,isinama siya sa mga nasa A2 category o mga senior citizens na nabakunahan.

Dahil senior na ang alkalde, AstraZeneca ang tinurok na bakuna sa kaniya.

Facebook Comments