Caloocan, patuloy na nagkakaloob ng RT-PCR testing

62

Tuluy-tuloy pa ang libreng RT-PCR testing na ipinagkakaloob ng Caloocan City government sa harap ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19.

Ginagawa ang libreng RT-PCR test sa Caloocan Sports Complex gayundin sa Caloocan People’s Park mula Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 11am.


Ang mga nais magpa-test, ay kinakailangang magtungo muna sa barangay health center upang mabigyan ng form at schedule bago magtungo sa testing sites.

Paalala din ng Caloocan LGU na siguraduhing nakasuot ng face mask at face shield at huwag kakalimutang dalhin ang
✓ Valid ID
✓ PhilHealth ID (kung mayroon)
✓ Sariling ballpen

Base sa huling impormasyon na inilabas ng Caloocan LGU ay umaabot sa 503 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 50 dito ang bagong mga nahawaan ng virus.

Facebook Comments