Caloocan Police, umaming walang matibay na ebidensya na mag-uugnay kay Kian sa iligal na droga; mga pulis na nakapatay kay Kian, humarap sa Senado

Manila, Philippines – Umamin ang Caloocan police na wala pa silang matibay na ebidensya na mag-uugnay sa namatay na Kian Delos Santos sa iligal na droga.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay inamin ni Police Supt. Chito Bersaluna na nalaman lang nila sa social media ang umanoy involvement ni kian sa iligal na droga.

Pati sa cellphone na kanilang narecover ay wala ding message na deriktang nagtuturo kay Kian bilang drug courier.


August 16 nang maganap ang anti-drug police operation kung saan nasawi si Kian.

August 17 ng hapon ng makausap daw nila ang isang nagngangalang nonong na nagsabi na ang kakilala niyang si neneng ay kay Kian kumukuha ng ilegal na droga.

Giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi isyu kung sangkot sa operasyon ng ilegal na droga o hindi si Kian na patay na at wala ng kakayahan na idepensa ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon.

Ang dapat aniyang talakayin ay ang pagiging biktima nito ng extra judicial killing.

Sa pagdinig ay inilahad ng PNP medico legal at pagsusuri na ginawa ng mga doktor ng Public Attorney’s Office na si Kian ay binaril kahit ito ay nakaluhod o halos lugmok na.

Base sa mga doktor ng PAO, dalawa sa kaliwang tenga at isa sa likod ang tama ni Kian taliwas naman ito sa findongs na PNP medico legal, na nagsabing dalawa lang ang tama ni Kian at wala sa likod.

Humarap din ngayon sa pagdinig ang tatlong pulis na umano’y dumampot at posibleng bumaril kay Kian.

Ito ay sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz.

Sa baril ni Oares nagtugma ang slug na bala na nakuha sa katawan ni Kian pero tumaggi itong sumagot sa tanong ng mga senador dahil wala siyang abogado.

Sina Pereda at Cruz naman ay tumangging magsalita kung sino ang bumaril kay Kian.

Inamin nila na sila ang dalawang pulis sa CCTV pero hindi daw si Kian ang hinihila nila kundi ang kanilang asset na itinatago nila para hindi masunog o walang makakilala.

Facebook Comments