Caloocan Rep. Edgar Erice, nagpositibo sa COVID-19

Inihayag ngayon ni Caloocan Representative Edgar Erice na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ang pahayag ni Erice ay inanunsyo nito sa kaniyang Facebook page.

Aniya, matapos ang walong araw na quarantine, dito na niya nalaman na positibo siya sa virus matapos sumalang sa pagsusuri.


Kaugnay nito, pansamantala niyang isinara ang kanilang district office dahil na rin sa dami ng bilang ng kaniyang staff na tinamaan rin ng COVID-19.

Sinabi pa ni Erice na nakararanas siya ng mild symptoms tulad ng ubo at pangangati ng lalamunan ngunit wala naman daw dapat ipag-alala ang kaniyang constituents.

Ayon pa kay Erice, posibleng nahawa siya sa kaniyang security personnel kaya’t maging ang misis niya ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Maaari pa naman daw siyang tumanggap ng mga mensahe kung kinakailangan kung saan nananawagan siya sa mga taga-Caloocan ng panalangin at panawagan na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay at manatiling ligtas sa lahat ng oras.

Facebook Comments