Isinailalim na sa state of calamity ang island municipality ng Caluya sa lalawigan ng Antique dahil sa oil spill sa loob ng territorial waters nito dulot ng lumubog na MT Princess Empress.
Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan (SB) ng Caluya, sa isang special session ang Resolution No. 31–2023 na nagdedeklara ng state of calamity sa lugar.
Sa ngayon umabot na sa 7,198 families o 25,733 individuals ang apektado nga oil spill sa Caluya, Antique.
Ang mga residente, mangingisda, shell collector, at seaweed farmers sa baybayin ng mga apektadong lugar ay lubos na umaasa sa oil spill-affected water para sa kanilang kabuhayan.
Sinabi ni Antique Governor Rhodora Cadiao na maliban sa calamity fund ng Caluya, magpapadala rin ang provincial government ng tulong ngayong araw, Marso 7, katulad ng food stuff mula sa Dept. Of Social Welfare and Development Office (DSWD), bigas, PPE’s at mga gamot dahil may impormasyon na mayroon nang nakakaramdan ng respiratory illness dala ng mabahonga hangin.
Una nang idineklara ang “no fishing” sa lugar dahil sa oil spill.