Calvin Abueva, balik PBA court na!

137

Tapos na ang matagal na paghihintay ng fans ni Calvin Abueva dahil ngayong linggo na ang kanyang pagbabalik Sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay dahil balik na si Abueva sa court matapos ang 15 buwang suspensyon para sa Phoenix Fuel Masters na wala pang naitatalang talo ngayong conference.


Nakaline-up na rin ang mga team na pwedeng makaharap ng Phoenix Fuel Master sa ‘comeback game’ ni Abueva kabilang ang Barangay Ginebra sa darating na Miyerkules.

Kinumpirma naman ng Games and Amusement Board (GAB) may bago nang lisensya si Abueva pero sasailalim pa rin ito sa probation period sa loob ng anim na buwan.

Nauna nang kinausap ni PBA Commissioner Willie Marcial noong Sabado si Abueva subalit walang inilabas na detalye tungkol sa kanilang napag-usapan.

Facebook Comments