Calvin Abueva, binigyan ng ultimatum ni gilas Pilipinas Coach Chot Reyes kapag hindi pa rin nagpakita sa team practice

Manila, Philippines – Binigyan ng ultimatum ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes si Calvin Abueva kapag hindi pa rin ito nagpakita sa team practice.

Nabatid na nakaka-apat na practice na ang Gilas bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup pero no-show pa rin ang tinaguriang “The Beast” ng PBA.

Dahil dito, plano ngayon ni Coach Chot na palitan si Abueva sakaling hindi ito pumunta sa kanilang practice mamayang alas-otso ng gabi.


Sinabi pa ni Reyes na wala silang natatanggap na mensahe mula kay Abueva at sa management ng Alaska kung saan hindi din pala ito naglaro sa laban nila kontra Star Hotshots.

Aminado naman ang nasabing coach na mahihirapan na silang magpalit ng players lalo na’t mayroon na lamang silang isang linggo bago ang tournament.

Facebook Comments