Calvin Abueva, ipinatawag ng PBA

Ipinatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial si Phoenix forward Calvin Abueva.

Ito ay matapos ang naging malaswang gesture ni Abueva sa girlfriend ni Blackwater rookie Ray Parks Jr. na si Maika Rivera sa kanilang laban noong Biyernes.

Habang na-eject naman sa laro noong Linggo si Abueva matapos i-clothesline si TNT KaTropa import Terrence Jones.


Ayon kay Marcial, ipinatawag niya si Abueva ngayong araw para pagpaliwanagin sa nasabing mga pangyayari.

Una nang pinatawan si Abueva ng P20,000 multa matapos ang nangyari sa kanila ni Parks.

Maliban kay Abueva, ipinatawag rin ni Marcial si Jones para hingin ang panig nito.

Facebook Comments