Calvin Abueva, itinanggi ang umano’y pang-aabusong ginagawa sa kanyang mag-iina

Nagawa ng San Miguel Beermen na pangunahan ang serye kontra Rain or Shine Elasto Painters sa iskor 111-105 sa best of five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Binuhat ni Chris McCullough ang Beermen na may 32 points habang nag-ambag din si Christian Standhardinger ng 20 points.

Ayon kay Standhardinger na bida player of the game – aminado sila na mahina ang kanilang panimula


Masaya rin siya na mayroon siyang mga maaasahang mga teammates.

Sabi ni Beermen coach Leo Austria – nagawa nilang ma-neutralize si June Mar Fajardo at maswerte sila na mayroon silang ‘big man’ tulad ni Standhardinger na malakas ang ipinakita sa depensa.

Samantala, isiniwalat ng asawa ni Phoenix forward Calvin Abueva na si Sam ang pang-aabusong ginawagawa ng mister sa kanya at kanilang mga anak.

Ipinost ni Sam sa Instagram ang screenshots ng CCTV footage ang umano’y pangmamalabis ng PBA player.

Ayon kay Sam – tumakas sila ng kanilang mga anak dahil sa mga pagbabanta nito sa kaniya.

Dagdag pa niya, nagkaroon din sila ng malalang away na nauwi sa pagkakasugod sa kanya sa ospital.

Hinamon din nito si Calvin na patunayan ang mga paratang nito na nanlalalaki siya.

Pinabulaanan lahat ito ng PBA player.

Humingi rin ng paumanhin si Calvin sa mga nadadawit sa isyu nilang mag-asawa.

Facebook Comments