Calvin Abueva, maglalaro na para sa Magnolia matapos i-trade ng Phoenix

62

Inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade sa pagitan ng Phoenix Fuel Masters at Magnolia Hotshots.

Dahil dito, maari ng maglaro sa Magnolia si Calvin Abueva kapalit ni Chris Banchero at ang magiging first at second-round pick sa March 14 PBA draft.


Kasama naman sa trade ni Abueva ang 2020 1st round pick para sa Magnolia.

Magugunitang mahigit isang taon din hindi nakalaro si Abueva matapos patawan ng indefinite suspension ng PBA dahil sa on-court at off-court isyu.

Una na ring lumagda ng tatlong taong kontrata sa Phoenix si Abueva noong Disyembre 2020.

Facebook Comments