Calvin Abueva, tinanghal na Player of the Week sa semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup

55

Tinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) Player of the Week si Calvin Abueva na kababalik lang sa paglalaro matapos ang isang taong suspensiyon.

Nanguna si Abueva sa panalo ng Phoenix Fuel Masters sa semifinals kontra TNT Tropang Giga sa 2020 PBA Philippine Cup.


Kakaibang Abueva ang nagpakita sa Fuel Masters sa semifinals kung saan ito ang nanguna sa opensa matapos ma-injured ang kanilang top gunner na si Matthew Wright.

Si Abueva ay may average na 22.0 points sa 55% shooting kasama ang 14.5 rebounds, 5.0 assists, at 3.0 steals sa dalawang naipanalong laro.

Facebook Comments