
Positibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabubuksan bago mag-Pasko ang Camalaniugan Bridge na nagdudugtong sa mga bayan ng Aparri at Camalaniugan sa Cagayan Valley.
Ayon sa pangulo, maituturing ang tulay bilang isa sa pinakamagagandang proyekto ng bansa at ipinagmalaki na ito ay gawa ng mga lokal na inhinyero.
Natapos aniya ang proyekto sa tamang oras at ayon sa itinakdang budget.
Ang disenyo ng tulay ay likha ng mga Pilipino, bagama’t kahawig ng mga modernong tulay sa ibang bansa.
Kapag binuksan na sa publiko, bababa mula isang oras tungo sa 20 minuto ang biyahe sa pagitan ng Aparri at Camalaniugan.
Tinatayang mahigit 6,000 biyahero ang makikinabang dito araw-araw.
Facebook Comments









