Lumagpas sa isang milyon ang nakatapos na sa step 2 para sa Philippine Identification System sa
sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela o CAMANAVA area at pitong iba pang probinsya.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA;
1,176,053 ang nagparehistro ng national ID sa CAMANAVA,
1,253,686 sa Pangasinan,
1,046,965 sa Bulacan,
1,014,382 sa Pampanga,
1,218,166 sa Iloilo,
1,647,906 sa Negros Occidental,
2,554,237 sa Cebu,
At sa Leyte, 1,343,214 na ang nagparehistro sa national ID
Matatandaan noong Agosto 2018, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055, or the Philippine Identification System Act para magkaroon ng national ID na magagamit ng lahat ng Pilipino at mga residenteng dayuhan.
Sa pamamagitan ng national ID, mapapabilis na ang pampubliko at pribadong transaksyon.