Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Camarines Norte dakong alas-5:57 ng umaga.
Naitala ang episentro nito sa 8 kilometers southeast ng Tinaga Island.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na sampung kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Southern Luzon.
Naitala ang sumusunod na instrumental intensity:
Intesity V – Daet, Camarines Norte
Intensity III – Jose Panganiban, Camarines Norte; Ragay at Iriga City, Camarines Sur; at San Roque, Northern Samar
Intensity II – Pili at Pasacao, Camarines Sur; Infanta, Gumaca, Mauban, Guinayangan, Mulanay at Alabat sa Quezon
Intensity I – Pulilan, Bulacan; Taytay, Rizal; Calauag, Quezon; Pasig at Marikina sa Metro Manila
Ayon sa PHIVOLCS, may aasahang aftershocks at pinsala bunsod ng lindol.