Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Tinaga Island sa Camarines Norte kaninang alas-6:00 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang pinsala pero magkakaroon ng aftershocks.
Sinabi ni Jose Panganiban, Camarines Norte Mayor Ariel Non, kasalukuyan silang nagsasagawa ng assessment para malaman kung mayroong nasirang mga imprastraktura.
Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod:
– Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte
– Intensity III – Guinayangan, Quezon
– Intensity II – Gumaca, Mauban at Lopez, Quezon
– Intensity I – Marikina City, Pasig City; at San Rafael, Bulacan
Facebook Comments