Camarines Sur, naka-red status na dahil sa bagyong Usman

Isinailalim na sa ‘red alert’ status ang lalawigan ng Camarines Sur bunsod ng epekto ng bagyong “Usman.”

Ayon kay Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte – inatasan nito ang PDRRMO at mga MDRRMO at iba pang tanggapan na maghanda lalo na sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa ngayon, papalo na sa 160 ang bilang ng mga stranded passengers sa Pasacao Port.


Nabatid na pawang patungong San Pascual, Masbate ang naturang mga pasahero.

Facebook Comments