Camarines Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

83

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Camarines Sur dakong alas-6:51 kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 5 kilometro timog silangan ng Canaman town.

May lalim itong 4 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang Intensity 5 sa Canaman town habang Intensity 4 sa Calabanga town.

Matatandaang nitong huwebes, una na ring niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Canaman town.

Sa ngayon hanggang nitong huwebes, nasa 16 lindol na ang naramdaman sa Camarines Sur.



Facebook Comments