Campaign guidelines para sa 2022 national election sa ilalim ng COVID-19 pandemic, target ilabas ng COMELEC sa Oktubre!

70

Kasabay ng papalapit na 2022 national elections, target ng Commission on Elections na ipalabas sa Oktubre ang bagong campaign guidelines sa ilalim ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na bagama’t papayagan pa rin nila ang in-person campaigning, maraming restriction at health protocols ang ipapatupad.


Kabilang aniya rito ang pagbabawal sa lumang estilo ng pangangampanya tulad ng pakikipagkamay ng mga politiko.

Magsisimula ang campaign period sa national post sa Feb. 8, 2022 habang ang sa local candidates ay sa March 25, 2022.

Facebook Comments