Campaign jingle ng isang kandidato sa Nueva Ecija na umano’y may kakaibang kahulugan, ipinatigil ng Comelec

Ipinatigil ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatugtog ng campaign jingle ng isang kandidato sa pagka-kapitan ng Brgy Bucot, Allaga, Nueva Ecija.

Ito ay dahil sa may kakaibang kahulugan ang campaign jingle ni Jose “Pepe” Pacheco na hango sa tunog ng Voltes V.

Sa ipinadalang sulat ng Comelec kay Pacheco, dapat daw itigil ang naturang jingle dahil hindi ito maganda sa pandinig ng mga bata at botante.


Nagbibigay umano ito ng double meaning partikular na sa pagbanggit ng kanyang palayaw bilang Pepe.

Agad naman sumunod si Pacheco at tiniyak niyang hindi na gagamitin ang campaign jingle hanggang sa matapos ang halalan.

Humingi rin ito ng paumanhin sa Comelec at sinabing ang composer ng awitin ang may sariling ideya ng mga lyrics nito.

Facebook Comments