Manila, Philippines – Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga national at local candidates na iwasang magsagawa ng campaign motorcades sa mga makikipot at masisikip na kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – dapat lamang nilang ikonsidera ang hindi paghaharang sa mga maliliit na kalye habang nangangampanya.
Ang campaign period para sa national at local candidates para sa May 13 elections ay nagpapatuloy hanggang May 11.
Samantala, magsasagawa ang concert ang Comelec ngayong araw sa Manila bilang bahagi ng kanilang information drive kaugnay pa rin ng eleksyon.
Sinabi ni Jimenez na ang live music concert na pinamagatang “Swing Vote” ay libre ang admission at gaganapin sa Rizal Park Open Air Auditorium simula alas-5:00 ng hapon.