Campaign period para sa 2022 national at local election, itinakda na ng COMELEC; Guidelines para sa filing ng COC, pinaghahandaan na

Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang campaign period para sa 2022 national at local election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022 ay maaaring mangampanya ang national candidates.

Habang sa Marso 25 hanggang Mayo 7, 2022 naman sa local candidates.


Hindi naman maaaring mangampanya sa Abril 14 at 15, 2022 dahil ito ay Maundy Thursday at Good Friday.

Samantala, naghahanda na rin ang COMELEC para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa October 1 hanggang 8, 2021.

Paliwanag ni Jimenez, ilalabas nila ang guidelines hinggil dito sa lalong madaling panahon.

Pero asahan ang mga pagbabago sa itsura ng filing of candidacy.

Facebook Comments