“Campaign Plan Clean Rider” sa Iranun Towns mas pinapalakas ng PRO ARMM

Nagsimula ng ipatupad sa bayan ng Parang Maguindanao ang “Campaign Plan Clean Rider” nitong agusto a kinse taong kasalukuyan, sa pangunguna ni Police Chief Superintendent Graciano Jaylo Mijares, Regional Director ng Police Regional office ARMM.

Sinabi nito na kailangan magparehestro o pumunta ang mga may ari ng motor sa kanilang tanggapan upang mag sumite ng kanilang dokumento at saka maisyuhan ng clean rider sticker. Layunin ng nasabing campaign, na maibsan ang ilang krimen na nangyayari na kung saan sangkot ang mga rider.

Naging panauhin sa nasabing aktibidad sina, LTC Roberto C. Go, Battalion Commander 37th Infantry Battalion, Barira Mayor Radzak D. Tomawis, Mayor Rauf T. Mastura, Municipal Administrator Mala Lidasan ng Matanog at Municipal Administrator Usman R. Ibay III ng Parang Maguindanao.(Johaira Gomonsang, NDU,BACOM4)


Facebook Comments