Sa General Santos , Umabot ng isang dump truck ng mga campaign posters na wala sa designated common poster area ang pinagbabaklas ng mga taga COMELEC-Gensan at DPWH sa kanilang isinagawang oplan baklas noong nakaraang araw.
Ang nasabing mga campaign materials ay ikinabit sa puno ng kahoy sa tabi ng daan, waiting shed pati na rin sa pader ng bahay at lupain na walang consent mula sa may ari nito.
Ayon kay Jeljan Panal, team leader ng oplan baklas na hindi sila makapaniwala na ganoon na karami ang mga campaign posters na inilagay sa hindi common poster area kaya paalala nito sa mga kandidato ngayong darating na halalan na sundin ang regulasyon ng COMELEC lalo na ang paglalagay ng mga campaign material sa tamang paglalagyan nito.
Samanlata ikinaalarma naman ng interface development intervention, isang environmental group ang pagdami ng basura ngayong election period.
Ayon kay Atty. Mark Penalver program coordinator ng nasabing grupo na maliban sa mga campaign material ng mga kandidato na makita kung saan-saan lang may mga basura ding iniiwan sa mga venue ng campaign rally ng mga kandidato bagay na kanilang ikinabahala.
Ayon sa kanya may malaking impact sa kalusugan at sa kalikasan ang mga basurang iniiwan nga mga kandidato.