Lilinisin agad ng Commission on Elections (COMELEC) ang paligid ng mga paaralang magsisilbing polling centers sa Maynila bago ang araw ng halalan.
Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio, chairman ng Board of Canvassers ng COMELEC sa Maynila, sa May 8 ay sisimulan na nila ang pagbabaklas ng campaign posters na nakadikit pa sa mga pader ng 87 polling centers sa lungsod.
Sa mismong araw naman ng eleksyion ay mahigpit na ipagbabawal ang pagparada ng mga sasakyan sa paligid ng mga paaralang gagamiting polling centers.
Isasagawa naman ang canvassing of votes sa mismong session hall ng konseho ng lungsod sa Manila City Hall.
Bunga nito, maglalagay na ang COMELEC-Manila ng kordon sa May 7 sa paligid ng Bonifacio Shrine, na siyang paglalagyan ng accountable at non- accountable forms.
Lalagyan din ng kordon ang paligid ng Manila City hall, at paligid ng COMELEC sa Arroceros, Maynila.