Campaign rally ng HNP sa Misamis Occidental, hindi nadaluhan ni Mayor Sara Duterte

Hindi nakadalo si Hugpong ng Pagbabago chairperson, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa senatorial campaign rally nito sa Tangub, Misamis Occidental.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi nakadalo si Mayor Inday sa HNP sortie.

Ayon sa staff ng alkalde – hindi siya nakapunta sa Sinanduloy Cultural Center dahil sa isang “emergency”.


Wala nang ibinigay na detalye ang HNP hinggil sa pagliban ni Mayor Duterte sa campaign rally.

Facebook Comments