Campus Caravan para sa mga estudyante sa kolehiyo, sisimulan ng PCO bilang pagdiriwang ng Communications Month 2023’ ngayong Oktubre.

Aarangkada na ang campus caravan at iba’t ibang kompetisyon para sa mga estudyantre sa kolehiyo na bahagi ng pagdiriwang ng ‘Communications Month 2023’ ngayong Oktubre.

Tampok sa ilulunsad na campus caravan ng Presidential Communications Office (PCO) ang iba’t ibang aktibidad gaya ng exhibition booths, media information literacy workshops, creative contests at competitions, panel discussions, Konsyerto sa Palasyo campus auditions, at internship information booth.

Dahil dito, iniimbitahan ng PCO ang lahat ng mga college students na sumali sa short film making contests, songwriting contests, essay writing, mural painting, spoken word poetry contests, at marami pang iba.


Ang selebrasyon ngayong taon ay iikot sa temang “CommUNITY: Nagkakaisang Tinig Tungo sa Bagong Pilipinas” kung saan ibibida rito ang matatag na pagkakaisa ng mga government institutions sa pamamagitan ng pagpapamalas ng whole-of-government approach sa paglaban sa misinformation at disinformation o fake news habang isinusulong ang ‘sense of unity’ sa hanay ng mga estudyante at kabataan.

Facebook Comments