CamSur Vice Gov Fortunato "Ato" Peña, NAG-RESIGN… BAKIT KAYA???…

Nagsumite ng kanyang RESIGNATION bilang VICE GOVERNOR ng Camarines Sur si VG Fortunato “Ato” Peña.
Sa voice clip na ipinaabot ni RadyoMaN Manny Basa ng RMN Naga – DWNX sa programang Mike & Grace @ Ur Service, narinig ang incumbent Camarines Vice Governor na nagpapahayag na siya ay bumibitiw na sa kanyang tungkulin effective February 28, 2019 sa kadahilanang personal at pampamilya.
Malinaw na ipinahayag ni Peña na hindi na siya ang Vice Governor ng Camarines Sur sa March 1, 2019.
Si Peña ay 3-termer ng Bise-Gubernador ng probinsiya at magtatapos pa ang kanyang termino sa June 2019.

Abangan sa DWNX ang detalye at usapin sa likod ng balitang ito.

Facebook Comments