Canada at Austria, kukuha na rin ng Filipino nurses

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkuha ng Canada at Austria ng Filipino nurses.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, kukuha rin ang Austria ng skilled professionals para matugunan ang pangangailangan ng healthcare sector ng nasabing bansa.

Kinumpirma rin ni Cacdac ang pagkuha ng Singapore Filipino healthcare workers, habang ang Croatia ay nakikipag-ugnayan na rin sa DMW para sa pag-hire ng Filipino professionals.


Patuloy naman aniya ang pag-recruit ng Taiwan ng Filipino workers para sa manufacturing, construction, at oceanic fishery industries.

Una na ring inanunsyo ni Migrant Workers Usec. Patricia Yvonne Caunan ang nakatakdang pagkuha ng Japan ng 820,000 na mga mangagawa sa susunod na limang taon.

Kukuha na rin aniya ang Japan ng Pinoy taxi drivers sa harap ng kanilang pagpapalawak sa transport sector doon.

Facebook Comments