Canada, “fully cooperating” sa pagbawi ng mga basura nito sa Pilipinas – DFA

Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “fully cooperating” ang Canada sa pagbawi ng kanilang tone-toneladang basurang itinambak sa Pilipinas.

Sa Twitter post ni DFA Secretary Teodoro Locsin, nakikipagtulungan ang Canada sa isyu ng basura.

Aniya, ang mga kababayan natin ang nag-import ng basura, tulad ng ginagawa nila sa iba pang bansa.


Sinabi rin ni Locsin sa kanyang Tweet na hindi nambu-bully ang Canada

Una nang sinabi ni Locsin na isinasagawa na ang fumigation sa mga basura.

Hindi pa mabanggit ng kalihim kung kailan maibabalik sa Canada ang mga basura.

Facebook Comments