MANILA – Naniniwala si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na pinugutan na ng Abu Sayyaf ang isa pa nilang kababayan na si Robert Hall.Sa isang pahayag, sinabi ni Trudeau na may sapat na dahilan kung bakit naniniwala silang tuluyan nang pinatay ng teroristang grupo ang kanilang kababayan kasabay ng pagkondena sa insidente ay ipinarating nito ang kaniyang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Hall .Dahil dito, nakikipagtulungan na rin aniya ang kanilang pamahalaan sa gobyerno ng Pilipinas para tuluyang makumpirma ang pagkamatay ni Hall.Nitong Abril lamang, pinugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf ang Canadian na si John Ridsdel dahil hindi nila nakuha ang hinihingi nilang ransom na P300 milyon.Sina Hall at Ridsdel ay dinukot noon sa isang resort sa samal island kasama ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at isang pilipina.Samantala… isang pugot na ulo na nakasilid sa trash bag ang nakita sa Jolo, Sulu, pasado alas nuebe, kagabi.Sa report, isang bata ang nakadiskubre ng trash bag at ipinaalam ito sa mga otoridad.Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Maj. Filemon Tan, mukhang banyaga ang narekober na pugot na ulo at kahawig ito ng canadian hostage na si Robert Hall.Pero sa ngayon anya dadalhin pa sa zamboanga city ang pugot na ulo para makumpirma ng PNP SOCO ang pagkakakilanlan nito.
Canada, Kumbinsidong Pinatay Na Ang Canadian Na Bihag Ng Abu Sayaff Group Nakitang Pugot Na Ulo Sa Jolo, Sulu – Kinukump
Facebook Comments