Tiniyak ni Canadian Ambassador to the Philippines, David Hartman, ang kahandaan ng Canada na sumuporta sa nuclear energy goals ng Pilipinas.
Tinukoy ni Ambassador Hartman ang komprehensibong nuclear ecosystem, kabilang na ang advanced reactor technologies at financing solutions sa pamamagitan ng Export Development Canada.
Sinabi pa ni Ambassador Hartman na handa ang Canada na mag-offer ng kumpletong package ng expertise at resources para matiyak na magiging matagumpay ang nuclear energy journey ng Pilipinas.
Ang nuclear energy ng Canada ay nakakapagbigay ng 15% na supply ng kanilang elektrisidad.
Target naman sa Clean Energy Scenario ng Energy Plan ng Pilipinas, ang paglalagay ng 1,200 MW ng nuclear energy capacity sa taong 2032.
Plano rin itong doblehin ng 2,400 MW sa taong 2035, at 4,800 MW sa taong 2050.