Canada, tiniyak na reresolbahin ang isyu ng kanilang basura sa Pilipinas

Tiniyak ng Canadian Embassy sa Pilipinas na reresolbahin ang isyu sa basura.

Ito ay kasunod ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magdeklara ng giyera kung hindi ito maaayos.

Ayon kay Canadian Embassy Ambassador John Holmes, inaayos na ng isang Joint Technical Working Group para maalis na ang basurang ito na hindi makakasama sa kapaligiran.


Aniya, nagpapatupad na ng bagong panutunan sa hazardous waste shipments ang Canada para hindi na maulit ang ganitong insidente.

Una nang sinabi ni Canada Prime Minister Justin Trudeau na gusto na nilang resolbahin ang isyu para mapanatili ang magandang relasyon sa Pilipinas.

Aniya, natanggap na ang mga legal na balakid para ibalik sa Canada ang mga tone-toneladang basura.

Facebook Comments