Canada, tutulong na rin sa paglaban ng Pilipinas sa human trafficking

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na tutulong na rin ang Canada sa paglaban ng Pilipinas sa human trafficking.

Sa kanilang pagpupulong ni Canadian Assistant Deputy Minister Jennifer McIntyre, tiniyak ng Canadian official ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagtaguyod sa proteksyon at karapatan ng mga Pilipino sa Canada.

Bahagi nito ang pagpapalakas sa bilateral labor agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Ibinahagi rin ni Cacdac sa opisyal ng Canada ang serye ng rescue operations sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar.

Facebook Comments