Canada, tutulong na sa pag-monitor sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulong na rin ang Canada sa Pilipinas sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pamamagitan kasi ng Dark Vessel Detection System ng Canada, mata-track ng Canada ang mga iligal na nangingisda sa teritoryo ng Pilipinas.

Kumpiyansa naman ang DFA na makatutulong ito sa pagsasaliksik sa maritime domain ng Pilipinas.


Bukod ito sa pagpapaigting sa surveillance activities.

Lumagda na ang Pilipinas at Canada sa nasabing kasunduan.

Facebook Comments