Nasakote ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang isang Canadian citizen matapos mahulihan ng ilegal na gamot.
Ayon kay Customs Collector Carmelita Talusan, ang banyagang si Mader, Garry Gardner, 56-anyos ay nahulihan ng 13 bote ng ephedrine o kabuuang 650 tablets.
Sinabi ni Talusan na galing ng Canada ang package at kinuha kagabi ng suspek sa Philippine Postal Office sa bahagi ng Domestic Road Pasay City.
Nang arestuhin sinabi pa ni Gardner na tanging personal care lamang ang laman ng mga package pero nang buksan dito na tumambad ang 1 kahon na naglalaman ng bote-boteng ephedrine.
Nabatid na itinuturing ang ephedrine bilang dangerous drugs dahil kapareho lamang ng shabu ang epekto sa sinumang gagamit nito.