Mataas ang posibilidad na maging major market ng Filipino construction workers sa hinaharap ang Canada.
Ayon kay Rachel Zozobrado Nagayo, Labor Attache ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Toronto, Canada, mayroong limang employer ang nakipag-ugnayan sa kanila at interesadong tumanggap ng manggagawang Pilipino.
Aniya, nagustuhan ng Canadian firms ang sipag at work ethics ng mga Pinoy kaya naeenganyo sila.
Nahihirapan ang construction sector sa Canada sa paghihikayat ng local workers kaya naghahanap sila ng ibang lahi para punan ang mga bakanteng trabaho.
Nagtatanong din ang mga construction companies kung pwede ba silang mag-hire ng mga Pilipinong nasa Canada.
Kaugnay nito, pinayuhan ng POLO ang mga Pinoy jobseekers na mag-ingat sa mga illegal recruiters at palagiang sumadya sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa mga job opportunities abroad.