Canadian foreign minister Melanie Joly, nakatakdang bumisita sa Pilipinas ngayong araw

Bibisita sa bansa ngayong araw ang Canadian foreign minister na si Melanie Joly upang makipagpulong kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo para mapag-usapan ang pagpapaigting ng maritime at defense cooperation ng dalawang bansa.

Ayon kay Manalo, layon ng pagpunta ni Foreign Minister Joly sa Pilipinas ay upang pag-usapan ang kasalukuyang estado ng Pilipinas hinggil sa usapin nito sa China sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Manalo, na nakatakda ring pag-usapan sa kanilang pagpupulong ay ang high level talks ng dalawang bansa para sa health food security and agriculture, humanitarian assistance and disaster relief, at people to people exchange ng dalawang bansa bagay na isa ang mga Pilipino sa may pinakamaraming populasyon sa naturang bansa.


Sa huli sinabi ni Manalo na positibo ito na magbubunga ng maganda ang pagpupulong ng dalawang bansa upang mas mapalalim pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Canada na nag-umpisa noong 1949.

Facebook Comments