Canadian man – inaresto at pinagmulta dahil sa pagkanta

Quebec City – Isang Canadian man ang inaresto ng mga pulis dahil sa pagkanta sa loob ng kanyang sasakyan.

Kwento ni Taoufik Moalla, habang nagsa-soundtrip, bigla siyang napakanta nang tugutugin ang paborito niyang 90’s hit song na everybody dance now.

Sabi ng mga pulis, nagsisisigaw daw sa loob ng kanyang kotse si Moalla na isang paglabag sa ipinatutupad na traffic ordinance sa Quebec City.


Napagmulta pa siya ng 149 dollars o katumbas ng pitong libong piso.

Biro na lang ni Moalla, baka pangit ang boses niya kaya siya natiketan.

Facebook Comments