Canadian Prime Minister Justin Trudeau, nagpa-cute lang – Senator Villar

Manila, Philippines – Para kay Senator Cynthia Villar, nagpa-cute lang si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa isyu ng tone-toneladang basura na kanilang itinapon dito sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Senator Villar, hindi na rin dapat pa na sa level ni Pangulong Rodrigo Duterte direktang magmula ang pagdemand o pakikiusap kay Trudeau na hakutin ang kanilang basura.

Sabi ni Villar, kung ang iba ay tumili at na-cute-an kay Trudeau, siya ay hindi.


Sa tingin naman ni Senate Majority leader Tito Sotto III, baka pumasok kay Trudeau ang rockstar na dating niya sa dito sa Pillipinas kaya naisip niya ang mga isyu ukol sa extra judicial killings at human rights.

Facebook Comments